« MASQUERADE | Main | FED UP »

October 21, 2006

BITTER

by EcKa

“Whoo! Nako! Muka mo, bitter ka! Bitter!!!”, yan ang madalas kong pang-asar sa bestfriend ko… na madalas nya ring pang-asar sakin.

Naaaliw ako habang nakikita syang nag-eemote dahil sa palyado nyang “Ex”. Hindi mo maipipinta ang mukha nya, nakangiti pero durog sa patama. Tumatawa at gumaganti sa bawat pagkana. Hindi naman ako masama, o sa kung ano. Totoo. Ganung-ganon din ako. Natutuwa lang ako dahil hindi pala ako nag-iisa sa mundo. Marami rin pala kaming sawiang-palad. Ayos yan. Cool.

Mula sa telepono, sa pagtetext, hanggang sa personal – si Ex ang bida. Ang bidang kontrabida sa buhay ng mga sawiang-palad na tulad… ubo-ubo… KOH. Basag! Peste. Hindi naman talaga ganon kamiserable ang buhay sa ert – dati. Habang meh nakakain, meh pera, at nakakahinga… ayos na’ko non. Kaso biglang meh sumali sa eksena. Lalake. Mula non, wala na – panget na. Tulugan na!

Hindi na naman ako galit sakanya. Hindi ko naman na sya minumura maya’t maya sa isipan ko. Hindi ko na sya gano iniisip. Medyo medyo nalang. Hindi ko na sya tinitext o tinatawagan. Hindi ko na sya pinapasama sa tropa ko, at pinalalabas na aping-api ako – tinigil ko na. Napagtanto ko kasing medyo pathetic ang kalalabasan ko. Wag ganon. Kelangan ako ang BIDA. Bakit? Dahil artikulo ko ‘toh, at no choice ka dahil taga-basa ka lang.

Sa mga pinagsasasabi ko, masasabi mo bang bitter ako? Sigurado ka? Syempre “Oo”, walang pag-aalinlangan. Bakit? Bakit hindi.

Hindi ko alam kung mababasa nya ‘tong mga pinagsasasabi ko, at kung anong magiging reaksyon nya. Pero malamang sa hinde – magmagwapo sya. Yun kasi ang fave past time nya – ang isiping hirap na hirap ako maka-move on at mahal ko parin sya hanggang sa ngayon. At kung sakaling yun man ang iniisip nya, MEH TAMA SYA! Pero kung hindi? Meh sapak ako.

Seryoso. Akala ko dati kabisado ko na lahat ng proseso mula sa pinaka-basic. Pero hindi parin pala. Badtrip yon. Akala ko ganito… ganyan… puro akala, akala, akala! Tama, lahat akala ko lang pala talaga. Parang guni-guni at naalimpungatan lang ako. Ilang buwan din akong nanalig keh “Kumpareng Akala”. Maling akala. Kaya nakakadala, nakakawalang-gana at sobrang nakakadismaya.

Kumpareng Akala, Pray for Us!

Noong isang araw, nagvideoke kami sa bahay kasama ang mga kabarkada ko. Habang kumakanta sila ng “Especially For You, Sasakyan kita , Atbp.” Heto ako’t bumibirit ng “Paalam na, You were meant for me, at Kahit Sandali” ni Jennelyn Mercado – Huwow! Ang mais ko, demn! Pero ayos lang, lumalabas namang maganda ang kanta dahil with feelings. Damang-dama ko! Sabay banat ng mga walangya kong kabarkada “IIYAK NA! IIYAK NA!”. Demmet.

Oo, mahirap maging bitter. Apektado ang bawat pagkilos mo bente-kwatro oras. Maya’t maya mo syang maiisip pero wala kang choice kundi ang tanggapin ang katotohanang – tapos na kayo. At malamang, naririndi narin ang tropa mo sa kakapakinig ng kwentong paulit-ulit lang naman entitled– Si GAGO si Ex, at Ako si TANGA. Ano ang ending? Lalabas karing kaawa-awa. Mahirap magpanggap na OK ang lahat kahit gusto mo na magbigti ng patiwarik. Mahirap magpulot ng basag at pirapirasong “IKAW”. Kung kaya lang sana ng Elmer’s glue pagdikit-dikitin ang bubog ko, noon ko pa ginawa. Kaso hinde. Sabi nya nga, “It takes time”. Ang tigas ng mukha. Tama, pero sayang ang oras ko. Papayag ba naman akong malugmok at amagin sa isang tabi? Natural hinde. Kelangan mayabang ako. Hindi ako inire ni Tere para lang sakanya. Nasaktan ako, Oo. Pero hindi nangangahulugang mapipigilan akong tumayo’t magmaganda muli. Alam kong marami pang darating: meh matino gwapo matangkad rakista bansot panget mayaman aliping-sagigilid amoy-Oohlala abnormal macho mabait seryoso timawa kalbo maputi conyo maloko mabaho basura drummer bulag tanga halimaw mataba banal gago, at sana kahit papaano meh totoo (Sige, magpantasya ka Ecka! Magpantasya ka!). Pero sa ngayon, ayoko pa! A-Y-O-K-O!

At kung inaakala nyong meh maibibigay akong payo sa kapwa bitter ko, eh wala kang maaasahan. Kumain kana lang muna ng butong-pakwan o di naman kaya eh yung buong pakwan na mismo. Habang ako’y kasalukuyang nag-iisip kung pano ko papayuhan ang sarili ko at kung pano lalayuan ang nakakaadik na pagpupuyat.

At kung sakali mang ok sila ng babae nya ngayon, e di ok! Huh! Gudluck.

Bitter ba?

                            

Comments

hindi ko alam sasabihin ko par kung hindi... HAMPAS-LUPA KA! SOBRANG BITTER! gahahahahaha!!! langya, pati kanta ni jennelyn mercado pinatos mo.

peyborit lines:
1) Hindi naman talaga ganon kamiserable ang buhay sa ert – dati. Habang meh nakakain, meh pera, at nakakahinga... ayos na’ko non. Kaso biglang meh sumali sa eksena. Lalake. Mula non, wala na – panget na. Tulugan na!

2) Bakit? Bakit hindi.

malupet ka pa rin! kudos sayo, TIMAWA!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .