« MISSIN' YOU | Main | SHOULD I? COULD I? »

February 04, 2007

HAPPY VALENTINES, EX..

By Ecka

“Ex, Happy Valentines! (NAKANA! )”

Pag nga naman wala kang magawa, at pilit na walang tigil ang kukote mo sa kakaisip ng walang katuturang bagay (best example, ang EX mo). Wala na ngang kwenta, ngunit nabibigyang kulay parin ng isang talentadong fine arts student na katulad ko. Ang yabang ko talaga! Tang ina! Hahaha!

Oh well, what can I say? As usual, wala nanaman akong magawa, kaya’t titirahin ko nalang ang pinakamamahal kong EX! ehehe! Oo, titirahin kita! TITIRAHIN KITA! Abangan mo ah? (bading?) Nice one…hahaha! Mabasa nya kaya ‘toh? So what?! “Hoy Gago! I miss you!”, wakekek! Sweet ‘ko noh?! Eto na boi… eto ka!

Bitter pa ba ‘koh hanggang sa ngayon? Malamang… siguro… ewan… malay koh?! Ano sa tingin mo? Oo. Apir! Mahal ko kasi yung putang inang yun eh! Again again again…! Yung PUTANG INANG yon! Ahaha! Ano kayang iisipin nya kung mababasa nya ‘tong pinagsususulat ko? Siguro sasabihin nya, “Kawawa naman ang isang ‘toh, desperdo”. Pwes, PUTANG INA mo again! Ahahaha! Pathetic ba ‘koh? Otistic lang! Este, artistic lang boi… hindi lang sa artwork ‘koh nailalabas ang 100 pursyento ng impact mo, pati sa pagiging makata ko… ay nanatiling epal ka sa mundo ko. Ikaw ba, kaya mo ‘toh?

Halos 10 buwan narin akong single. Hindi ko maimagine kung sa paanong paraan ako lalandi sa iba ng hindi papasok sa eksena ang EPAL kong EKS! Lagi nalang akong pigil magmahal dahil sa kakakumpara sa PUTANG INANG yon, Putang ina moh for the fifth time, ahahaha! Ansarap-sarap mong murahin, parang ikaw! Dati kasi masarap ka eh, malamang ngayon lasang sapal kana. Ahaha! Pero mahal kitang TANG INA KA! Ahaha!

Ilan na ba ang dapat eh shota ko sa ngayon kung di rin lang ako bitter dahil sayo? Oh ha?! Ang ganda ko ng lagay na yon diba? Pero pumapanget ako pag ikaw na ang bida sa artikulo ko. Badtripah!? Ahaha! Ha’ay! Ayoko namang pasamain ka sa paningin ng iba, nagawa ko na yon sayo dati pa. Katakut-takot na sumbat at mura narin ang inabot mo mula sakin, ok na yon. Naimmune ka na ata. Lilinisin ko rin naman ang reputasyon mo bilang isang tao, kahit tae ka. Hahaha! Hindi ako nagsusulat ng ganito para murahin ka, at murahin ka, at murahin pa… Nagsusulat ako dahil gusto ko. Meh problema ka?

Tandang-tanda ko kung paano mo pinamukha sakin na mali ako, wala akong ginawa kundi lunukin ang mga masasakit na salitang nasabi mo… Umiyak want-to-sawa, manisi sa palyado nating relasyon, kwarto mode, magdrama, makipagtitigan sa crack ng pader, yakapin ang sarili kong unan, tumawa ng walang dahilan, magpaputakte sa lamok, manigaw ng kahit na sino, mag-itsa ng celfone sa pader, magbura ng testimonial mo, makipag-usap sa pikytur mo, I-dial at ibaba ang numero sa bahay nyo, magpagupit ng maikli, magpanggap na napuwing lang sa jeep kahit naiiyak naman talaga, magpuyat ng walang pinagpupuyatan, magmoment kasama ang tropa, magpainom ng libre (octoberfest? Alak pa!), gawing tubig lang ang redhorse, magbulakbol sa eskwela, magwaldas ng pera, magpakalosyang, magpakabitter, magpakabigo at magpakasira ulo hangga’t gusto ko. Lahat yun pinagdaanan ko, dahil sayo. Halos mawalan ako ng bait sa sarili, dahil sayo. At mantakin mong dahil lang sayo… nasira ako. Pwes, noon yun… hindi na ngayon… at hinding-hindi na mauulit pa. Ngayon ko lang napag-isip-isip, hindi ako mali… at lalong hindi rin ako tama sa taong minahal ko ng sobra, ikaw yun. Oo, IKAW.

So, Valentines na ah, may date ka na ba?

PUUUTTTTANG INNNAAA!!!

Ako kasi… meron na. ^_^

                            

Comments

kawawa naman yun par. siguro dumudugo na bibig nun habang tinatype mo toh, hahaha!

wag mong tirahin! wag mong TIRAHIN!!! masakit yan! gahahahaha!!!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .