« SHOULD I? COULD I? | Main | Mi Raison d'être »

May 31, 2007

ALAS TRES

By Ecka

Tapos na ang lahat,

Pero narito ka parin.

Nangungupahan,

Namamalagi…

Sa aking isipan..

Sawang-sawa na ako

Kakaisip sa lagay mo

Kaawa-awa,

Mukhang gago…

Tama, yan nga “Ako”.

Mahirap magpanggap

Masaya sa umaga

Lugmok sa gabi

Nangungulila

Parating humihikbi.

Suot ang maskara

Sa harap ng tropa

Maligalig,

Nakatawa…

Parang tanga.

Ikaw ang dahilan

Walang pag-aalinlangan

Kung bakit ako’y nahihirapan

Naiwang sugatan

At walang matakbuhan.

Minahal kita ng labis

Ngunit binalewala

Binasura

Tinalikuran

Isang kang lapastangan!

Sa kabila ng lahat

Hinangad ko ang iyong kaligayahan

At nawa’y iyong matagpuan

Pagmamahal na ninanais

Sa akin ay di natagpuan.

                            

Comments

HUWAT?!?! HANGGANG NGAYON?!

antagal ko ng gnawa toh...

ngayon ko lang pinost! gaga!

Post a comment

Post a comment

Name:

You are currently signed in as .