SINGLE
By Ecka
“Shet! Single… Shet diba, shet?!?”, yan ang linya ko ngayon.
Naaalala ko kung ano ang mga nakukuha kong reaksyon galing sa mga tropa ko, natatawang nawiwirduhan na hindi maintindihan. Kahit ako natatawa sa sarili kong kaaningan. Pero ok naman, muka kong timang pero kewl. Hindi nako ganu umiiyak, pero natural nakakamis. Krung-krung nanaman ang lola mo. Ewan ko ba, basta ang alam ko lang single ako.
Nakakainggit. Pero ok lang, anu naman kung meh xota sila, iniisip ko nalang “Sa una lang yan, magbrebreak rin kayo nyan! Bwahahaha!” ang bad ko. Ayan, baka isipin nyo nanaman bitter ako… inde noh. Ok naman ang break-up eh, di ganoon kabrutal. Medyo kelangan lang ng ilang linggong kapraningan, iyakan, gyerahan, sisihan, at kung anu-ano pa. Matapos ang lahat, ‘eto kami nagsusumigaw na “SINGLE”.
Hindi ako galit sakanya, ayoko eh. Di tulad dati, pag sinabi kong galit ako meh pahabol pa yung sumpa. Ngayon indi na, walang sumpaan at barangang naganap. Tinanggap ko ng maluwag, kahit ayoko, kahit mahirap... kelangan na eh. Ouch na eh. Hindi narin ako masaya sa nangyayari samin, hindi na kasi tulad dati. Pareho na kaming takot, di na rin nya nagawang solusyonan. Wala ng ibang choice kundi ang dumistansya. Ang sakit non, pakiramdam ko meh ketong ako e. Pakiramdam ko nakakadiri ako, at kelangan meh ganong factor. Shet diba?!?
Pero kahit ganun, cge parin. Mahal mo ko, mahal kita, kaya pa! Habang lumalaban ako, bumibitaw ka na pala. Naiiwan ako sa ere ng walang kamalayan, pero ok lang cge pa… kaya pa! Hangga’t kaya ko, laban pa… kahit dapang-dapa na, kaya pa! shet dba? Shet! Todo effort ako mehn, pero parang wala lang. Di pansin. Kawawang ako, another shet!?! Masakit!!! Kulang ang salita, mura, iyak, inom, lahat! Kulang yon para iparamdam ko kung ganu kasakit mabalewala… Kahapon lang mahal mo ko, eh ngayon asan ka?
Di ko alam kung san ako nagkamali, san ako nagkulang, o kung san man ako sumobra. Ang alam ko lang kelangan natin “Magbreak”, tapos. Kasi lalayo ka, wala na… ganoon lang. Matapos ang lahat, dahil sa aalis ka tuluyan ka ng mawawala sakin. Pinilit kong balewalain yung mga rason, nagbingi-bingihan ako. Eh ano kung aalis ka, mahal kita walang magbabago @$%^(*… yun ang pananaw ko, wala akong pakelam san lupalop ka man magpunta, shet dba?!? Hindi ko naisip, ako lang pala ang nag-iisip ng ganoon. Ang iyo kasi, “You deserve someone else, I’m not the right one. Gusto ko maging ok ka na, let’s set ourselves free” … Habang isinasalba ko tayo, gumive up ka na pala. Yun nalang ang solusyon sa paglayo mo, “Break-up”.
Oo, naglet-go ako. Napagod ako. Mahirap pala lumaban mag-isa, wala kang makapitan kundi ang sarili mo. Wag mong sabihin na gumive-up lang ako basta, nakita mo kung pano ko mapraning… ilang linggo kong naulol. Ilang araw akong haggard, panget na. Halos madehydrate narin ako kakaiyak sa wala. Hindi ko malaman kung ano pang kelangan kong gawin bumalik lang tayo sa dati. Kaso wala e, ang hirap ko umintindi, sumuko ka na noon pa… diba?
Mahal mo ko, alam ko. Kaya nga masakit eh, kaya nga sobrang sakit. Masakit kasi mahal mo ko, at ramdam ko kung pano mo pigilan yang lintek na pagmamahal na yan! Ni hindi mo nagawan ng paraan, ni hindi mo kayang labanan, ni hindi mo nagawang suklian yung konting oras… Ngayon mo ipaintindi sakin mahal mo ko.
Cge pano?!?
Hindi ko magawang magalit sayo, kahit sobrang sakit. Pinili ko parin maging ok lahat, mas pinili ko kung ano yung gusto mo. Hindi kung ano yung gusto ko. Hindi ako nagdamot, basta kaya ko ibigay, cge iyo na. Kahit sobrang sakit, basta gusto mo… ibibigay ko. shet dba?!? Shet!!!
Mahal kita. Kulang na kulang ba???
Naiisip parin kita, pag meh CHER na bus, pag nadadaan ako ng MC, SM, Trinoma… pag meh magjowa, pag meh magttxt sakin, pag nagring ang fone, pag nakikita ko si “Popoy”, pag nag-aalarm yung bgay mo, kahit simpleng bagay, kahit corny, nagpapaalala sakin ng nakaraan. Hindi kasing dali ng gusto mong mangyari ang lahat, hindi isang pitikan lang OK na ako. Hindi ako robot eh. Sa totoo lang, hindi break up ang solusyon. Ikaw.
Tangina... IKAW!

Comments